Martes, Marso 3, 2015

That Thing Called Tadhana

Suring-pelikula ng That Thing Called Tadhana


1.    Buod ng “That Thing Called Tadhana”
      
      Ang pelikulang “That Thing Called Tadhana” ang napakagandang pelikula. Ito ay comedy-romantic drama. Ito ay kwentong isang babaeng nagngangalang Mace na bago lang galing sa isang napakasakit na break-up. Noong siya ay nasa airport pauwing Pilipinas ay sobra-sobra ang timba ng kanyang bagahe kaya pumunta siya sa isang tabi umiiyak at tinatapon ang iba niyang gamit para gumaan ang kanyang bagahe. Sa kalagitnaan ng kanyang pag-eemote ay lumapit sa kanya si Anthony nataga Pilipinas at galing rin siya sa isang break-up. Tinulungan niya si Mace para makauwi na silang dalawa. Sila ay kumain sa isang kainan at nag-usap sila tungkol sa kanilang nakaraang karelasyon at pamilya nila. Nang sumakay na sila ng bus ay sinabini Mace na gusto niyang pumunta ng Baguio. Kaya pumunta sila sa Baguio at doon sila namasyal at para makamove-on nasi Mace. Sa kanilang pagsasama ay nahulog na sila sa isa’tisa. Pumunta sila sa isang bundok sa Baguio kung saan doon pumunta si Anthony para isigaw ang kanyang nararamdaman at para makamove-on. Doon ay sumigaw rin si Mace para makamove-on narin. Nang umuwi na si Mace sa kanilang bahay ay nandoon ang ex-boyfriend ni Mace na may dalang bulaklak. Nasaktan si Anthony at lumuha at umuwi. Tinapos ni Anthony ang librong ginawa ni Mace at nilagyan rin niya ito ng mga larawan. Pumunta Si Anthony kay Mace para ipakita ang natapos na libro.
2.    Direksyon
    
     Maganda angpagkakadireksyon ng pelikula. Maganda ang pagkakatakbu ng istorya. Mahusay ang director sa paraan ng kanyang pagbuo ng kwento. Pero hindi ko nagustuhan ang huling eksena ng pelikula. Pero sa kabuuan maganda ang pagkakadireksyon.
3.    Disenyong pamproduksyon
     
     Ang props, kasuotan, gamit at background ng pelikula ay maganda. Natutugma ito sa daloy ng istorya ng pelikula. Ito ang mas lalong nagpaganda sa istorya. Ang background ay maganda, ito ang isa sa dahilan kung bakit ang manonood ay talagang nakatotok sa pelikula.  Ang mga kasuotan ay natutugma at bagay rin sa mga tauhan ng pelikula. Ang mga props ay nagbibigay rin ng kagandahan sa pelikula. Talagang mahusay ang desayner ng pelikula. Talagang marunong siyang maghanap ng paraan upang maging tugma at akma ang lahat para sa pelikula. Sa kabuuan ang disenyong pamproduksyon ay maganda.
4.    Sinematograpiya
      
     Ang sinematograpiya ay maganda. Mas pinganda nito ang istorya ng pelikula. Magaling ang sinematograper sa pagpapakita ng labo at linaw ng pelikula. Ang mga anggulo ng mga tagpo o eksena ay maganda. Mas naramdaman ko ang daloy ng istorya dahil sa sinematograpiya.

5. Makatotohanang Pagganap ng mga Tauhan

      Ang mga tauhan ay talagang magaling kasi talagang nagampanan nila ang mga papel nila. Talagang naramdamn ko ang mga emosyon nil. Mahusay ang mga artista sa pelikula kasi talagang nadala nila ako sa mga emosyon na ginagawa nila. Sa kabuuan ang pagkakaacting ng mga artista ay maganda.

6. Talagang may kaugnayan at naangkop ang istorya sa kasalukayang panahon. Maraming nakakarelate sa pelikula lalo na yung mga broken-hearted at sawi sa pag-ibig. lalo na ang mga kabataan ngayun na broken -hearted tulad ni Mace. Ang aral na aking natutunan ay kung nasaktan ka wag kang matakot na magmahal muli. damhin ang sakit ngayun para wala ng sakit bukas. Wag lang mawalan ng pag-asa makakahanap rin tayo na ating mamahalin at mamahalin ka rin. Kung tawagin ng iba ay tadhana.

7. Ang Paglapat ng Tunog

     Ang paglapat ng tunog ay magaling. Napaganda nito ang istorya. talagang naramdaman ko ang mga aksyon o gang ginagawa ng mga artista sa pelikula dahil sa paglapat ng tugmang tunog.

8. Ang Paglapat ng Musika

    Ang paglapat ng musika sa pelikula ay maganda at magaling. Isa rin ito sa nagpapaganda ng pelikula. Nakakasabay ang mga manonood sa mga musika na nilapat sa pelikulang ito.Nararamdaman ko ang ang lungkot at kasiyahan ng mga tauhan dahil sa paglapat ng tugma at akmang musika sa pelikula.Ang paglapat ng musika sa pelikula ay talagang nakatulong para umangat ang bigat at gaan ng mga eksena sa pelikula.

9. Ang Editing ng Pelikula

     Ang editing ng pelikula ay maganda. Ang pagkakasunod-sunod ng mga eksana aymaganda at naaakma sa istorya. Ang mga editor ay magaling sa pag-edit ng pelikulang ito.

10. Skrinplay ng Pelikula

     "Si John Lloyd kasi... hindi ka niya lolokohin hindi ka niya paiiyakin. Siya 'yung iiyak para sayo." - Mace ( Angelica Panganiban)